Look who’s talking. I’ve got a girl who’s just re-discovered her passion for anything-art. Got her thoughts on this typography, and found out that it is rooted from a discussion way back from YA’s R.O.C.K. 2011, and has recurred during Vavic’s recent preaching.
“to have the best thing is to go to the source. (In a pastor’s example: ‘Yung parang ‘pag may handaan, diretso agad sa kusina, or i-friend yung nanay. heheh
)” -Kat
VAVIC:”San ako kukuha ng lakas?Sa Panginoon ko.’Yung Diyos na nangako sakin.Wala akong ibang hihingan ng tulong.”
before you sleep, go first to the Source. :)
goodnight!
Source: kat-reyna
Can’t Get Over You - Anthem Lights
Source: -neverfaraway
Bago ang lahat…
Heto nanaman, nagsimula nanaman akong magsulat. Minsan iniisip ko, hindi naman talaga ako mahilig magsulat. Para saakin hindi hilig ang pagsulat. Writing is a part of myself, just like breathing (chos!haha). Madaming madaming madami akong gustong isulat. Kaya lang madalas, ayoko. Ayoko dahil madami akong dahilan. At madalas sa listahan ko ng mga dahilan nauuna palagi ang “ayoko nitong naiisip ko, baka hindi maganda…pang akin lang, not worth sharing”. Kaya sa journal ko nalang ako magsusulat. Kaso ano naman ang saysay ng paggawa ko ng online blog kung hindi ko naman ito lalagyan ng laman? Nung nakaraan lang naguusap kami ng isang kaibigan ko, sabi ko sakanya andami kong gustong isulat, sabi nya sya rin daw. Hindi ko alam kung may ibang tao pang nag eexist na kasing weirdo naming dalawa, o kung meron man, hindi ko alam kung makikilala ko pa yun. Madalas naiiyak ako sa gusto kong isulat. bakit? Kasi halos lahat ng sinusulat ko sumasalamin lang naman sa laman ng isip ko. Inner thoughts as what others call it. Kung may mas iinner pa sa inner thoughts, yung siguro ang tawag ko sa mga iniisip ko. Matagal ko nang gustong ipagsabi ang mga nasa isip ko. Halos araw araw siguro (dati lang) sinusubukan kong maghanap ng mapagsasabihan. But more often that not dalawa lang ang nagiging response ng mga tao. 1. Ang weird ng iniisip mo. Masyadong ideal yan. 2. Mali yang iniisip mo.
Kapag ideal ba mali agad? Kung nasa desyerto ka at nagiisip ka at nananalita na para bang nasa beach or forest ka, mali ba yon? Hindi ko masagot yung tanong ko kung tama o mali, at sa tingin ko hindi ko pa massagot yun ngayon. Sa pagpopost ko ng blog na ito mailalagay ako sa alanganin. Kung madami nga sigurong makababasa panigurado, ichachat, itetext at imemention nanaman ako sa twitter nyan HAHA! “Bel okay ka lang ba?” nanaman ang matatanggap kong tanong. Opo okay naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakit when a person tries to think out loud eh nagmumukha syang hindi okay, HAHA! Seriously, okay lang ako. Pero nasa stage ako that im suppressing thoughts. (Sorry sa di makakagets ng part na ito, sa tingin ko lutang nanaman po ako. Sa malalapit kong kaibigan, you know what i mean *wink*).
“So bakit pagong at alimango?” was a very expectant question from a friend. Expectant siguro sya dahil kilala nya ko. Sa mga iniisip at sinasabi ko may mas malalim pang kahulugan palagi. And most of the time, hindi ko ito sinasabi dahil, you know, tamad ako mag explain, HAHAHAHA! But here’s why. Pagong dahil cute sila, CHAR! kidding aside, pagong dahil reptile sila. And we know that reptiles are able to breathe both sa lupa and underwater. At sa tingin ko ganun ang buhay ng mga Kristyano, citizen ng heaven, pero nakatira parin at namumuhay dito sa lupa. Iniisip ko nga paminsan, hindi ba nahihirapan ang mga reptiles? Bakit kaya ginawa silang ganun ni Lord eh ang hirap nun, pano ang buhay nila? Ano permanent address nila? Pero naisip ko din, mabuti may reptiles, atleast may karamay ako sa pakiramdam na namumuhay sa dalawang mundo. Sa lupa at sa langit. Naisip ko din, atleast hindi ako nagiisa sa pakiramdam na nagsheshare ako ng glimpse of another world sa ibang tao tapos yung tao namang iyon hindi ma grasp. O kaya naman kapag nafufrustrate ako na I have the idea of heaven pero madalas hindi ko maunawaan yung iba, just like pag hindi maunawaan ng pagong bakit lumilipad ang ibon o bakit iba ang language ng mga tao (o ang nakakafrustrate na idea eh iisang specie lang ang tao pero iba iba ng language, HAHA). Kung sakaling nagkukwentuhan ang isda at ang reptile (sorry animated akong tao :P), iniimbitahan kaya ng reptiles ang mga isda to go out of the water? Sa kabilang banda, iniisip kaya ng isda na nababaliw ang reptile trying to describe a world na unknown sa fish? HAHA!
And bakit alimango? Dahil crustaceans sila. The most distinctive crustaceans’ characteristics are observed with respect to their body structures. They all have very well built heads…The reason nature has provided these crustaceans with the exoskeleton (or the hard and calcified covering or shell nila that is made up of limestone) is because their internal systems are very delicate and are open immediately below the skeleton. Sa madaling salita, ang mga alimango may matigas na shell sa labas pero napakalambot sa loob. And napaka prominent nung heads nila, kaya implied sa sinusulat kong kwento na matalino si Alimango (thats how I interpreted it). And diba may pansipit si Alimango na usually unang nakikita ng mga tao sakanya? Kagaya ng majority ng mga tao, panlabas lang lagi ang nakikita “Ay masama ugali nyan…ay mayabang yan…ay ganto yan…ay ganyan yan…” and i wonder, did anyone even dare to ask kung bakit ganun yung mga taong sinasabihan nila? Yun ang gusto kong ipakita sa alimango. they are more than their facade. Strong man sila outside, malambot sila inside. And kagaya nang masarap ang alimango pag kinain, masarap ding kilalanin ang isang taong ‘alimango’. Theres something inside na mas interesting alamin.
Kay haba na ng blogpost na ito pero parang wala akong naaachieve (masyado ba akong goal orriented? HAHA). Gusto ko lang isulat ito bago ang lahat. Napag isip isip kong ituloy ko nalang yung sinimulan kong kwento ni Pagong. Noon sabi ko sa sarili ko hindi ako magsusulat ng fable, pero eto ako ngayon nagsusulat ng fable, HAHA! Sabi nga ni Job “But ask the animals, and they will teach you, or the birds of the air, and they will tell you;” (Job 12:7). Sa tingin ko kasi madami akong matututunan sa mga hayop na ito. Sa tingin ko madami silang dalang mensahe na kelangan lang basahin para malaman, kelangan lang tuklasin para maunawaan.
Sayo na matyagang nagbasa ng mahaba at lutang at mejo boring na blogpost na ito, salamat. Sa tingin ko isa ka sa mga ito 1. Number one fan ko (HAHA! at nagiisa kalang kilala mo na sarili mo :P) 2. Supportive at curious na kaibigan 3. Mapagmahal at supportive na ate o kuya. Sino ka man at alin ka man jan salamat sayo. Although di ko kelangan ng readers para magsulat, magsusulat ako may magbasa man o wala, naiinspire akong magsulat kung may bumabasa nito. At higit sa lahat mas nagiging maingat ako sa mga ginagamit kong salita at konsepto, thus, making me a more self-controlled individual at sa tingin ko yun naman talaga ang mahalaga.
Sayo Pagong, mangarap ka lang! Sayo Alimango, hindi man nakikita ng nakararami pero isa kang dakilang kaibigan. Salamat sa inyong dalawa natututo ako!
Sayo Dakilang Lumikha, alam kong hindi Ka pa tapos. Sige lang, maglakad tayo, ilakad mo ako sa daan patungo sa kapamaraanan Mo. Hanggang sa wakas matuklasan ko kung bakit Mo ako ginawang ‘ako’. :’)
Source: buzzle.com
Unang pagtatangka
Madami akong gustong i-blog. Yun ang totoo. Alam yun ng isa kong malapit na kaibigan, at sa tingin madami din syang gustong i-blog (kung mababasa mo to siguradong mangingiti ka, HAHAHA!) pero pareho kami, hindi namin mai-blog ang gusto naming i-blog. Hindi dahil may word poverty o kaya ay wala kaming maisip na magandang tema. Hindi lang tala namin mai-blog. Yun lang :))
Kaya sa tingin ko, magandang magsulat nalang ng isang maikling kwento.
Kagaya ng ordinaryong mga araw, nakaupo nanaman si Pagong sa paborito nyang lugar — ang tuktok ng mataas na bato malapit sa dalampasigan. Madalas nga sya sa lugar na ito, minsan mag isa paminsan naman ay kasama ng kaibigan nyang si Alimango.
“Saan ka nanaman ba pupunta Pagong?” panunuya ng kanyang mga kaibigang hayop na nakatira din malapit sa dalampasigan. ”Duon nanaman panigurado sa paborito nyang bato! Mangangarap nanaman ang kawawang si Pagong! Hindi mo parin ba natatanggap na hindi ka ginawa para lumipad?” Malakas na halakhakan ang lumunod kay Pagong. Madalas silang ganito, silang mga ‘kaibigan’ nya. Hindi nila maunawaan kung bakit nais pumunta ni Pagong sa pangpang. Hindi nila maunawaan kung bakit nagaaksaya ng halos kalahating araw si Pagong upang umakyat sa malaking bato para lamang matanaw, kahit papaano nang mas malapit, ang mga ulap. Hindi nila maunawaan kung bakit nangangarap si Pagong na lumipad. Lahat sila hindi maunawaan, lahat bukod kay Alimango.
“Mali ba talagang mangarap na lumipad?” malungkot na tanong ni Pagong
“Hindi mali ang mangarap.” mabilis na sagot ni Alimango
“Sabi nila masyado daw akong mataas mangarap. Hindi naman daw ako ginawa para lumipad. Ginawa ako para lumangoy at maglakad ng mabagal. Ginawa daw ako para magtago sa loob ng bahay na pasan ko sa likod ko.”
“Sabi nila? Sino sila? Hindi nila maaaring sabihin hindi ka ginawa para lumipad! Hindi sila ang magsasabi kung para saan ka ginawa. Tanging ang Lumikha sa iyo ang makapagsasabi.”
“Sa tingin mo ba Alimango ginawa ako upang lumipad? Sabi nila ang paglangoy ko, iyon daw ang realidad.”
“Realidad?! Paano kung nagkakamali sila? Kahit paglangoy ang ginagawa ng nakararami, hindi nangangahulugang ito ang realidad. Hindi nakadepende ang pagiging totoo ng isang bagay sa dami ng mga taong gumagawa nito.”
“Pinalaki kaming lumalangoy ng aming mga magulang. Sa tingin mo ba hindi tama na lumalangoy ako? Kung mali iyon, kung hindi ako ginawa para lumangoy, bakit kay husay kong lumangoy?”
“Hindi ko naman sinasabing hindi ka ginawa para lumangoy. Ang nais ko lamang sabihin, hindi kaya’t ginawa ka para lumangoy at lumipad? Hindi kaya’t sadyang kay husay ng pagkakagawa sa iyo ng Dakilang Lumikha na madami kang kayang gawin ngunit di mo pa natutuklasan dahil takot ka?”
“Takot? Hindi ito takot. Hindi ko lamang alam kung tama ba ang pangangarap. Gusto kong gumawa ng dakilang bagay, kay dami kong pangarap. Ngunit madalas nadarama kong wala itong saysay. Mangarap man ako ng dakila, kung ako ay hindi dakila, hindi ko ito magagawa.”
“Ang kadakilaan ay hindi nasusukat sa kung ano ang mga bagay na kaya mong gawin kundi sa mga bagay na nais mong gawin. At kung mananakaw sa iyo ang dakilang hangarin mo, tuluyan ding mananakaw sa iyo ang rason kung bakit ka nabubuhay. Hindi ang mga pangarap mo ang magpapadakila sa iyo, kundi ang pagnanais mong matuklasan kung bakit ka nilikha ng mga kamay na humubog sa iyo. At marahil nga ay hindi ka dakila, ngunit hindi ba at Dakila ang Lumikha sa iyo? At sa pagkakaalam ko, ginawa ka sa wangis at imahe Nya”
Kasabay ng paghampas ng mga alon sa malaking bato ang pag gising sa diwa ni Pagong. Unti unti, nangarap sya muli. Unti unti, tumingala sya sabay sambit “Balang araw, ako ay lilipad. Hintayin mo ako ulap, hintayin mo ako kalangitan. Ako ay lilipad.”
M.O.V.E Summer Dance Workshop (1st session)
PRAISE REPORT! Over 50 young people joined the M.O.V.E dance workshop! We’d like to thank everyone who came! See you again next Saturday!
Sa mga hindi pa nakakapunta, come, learn and be blessed!
Only 50Php per session. Choreographers are from UP street dance club, The Crew and Tha Project.
Thank you, Kuya Yosh of UP street dance club for teaching on the first session! God bless you!
(via bealightbearer)
Source: youthalivewordofhope
Light in the darkness.: BIBLE FEST 2012!
April 24-The first-ever Youth Alive Bible Fest was held at Word of Hope’s Gymnasium. Almost a hundred of GIG members and friends from different schools came along for the fun! To give you guys a peek of the event, here’s a couple of pictures:
We just have to commend…
Source: youthalivewordofhope
YOUTH ALIVE: BATTLE GROUND: QUEZON CITY SCIENCE HIGH SCHOOL
To be honest I don’t know where to begin. The thing I saw last Friday, March 16, 2012 at Quezon City Science High School Recollection Program was too wonderful that no words are good enough to describe it. Whenever I try to recall the scene, all I could ever remember is that God moved in those…
Source: youthalivewordofhope
You are over the daily limit for sending Tweets.
Please wait a few hours and try again.
yan ang sabi sakin ng Twitter. HAHAHAHA! no one
can stop me.. Promote Promote Promote padin.
Twitter, tumblr, fb man yan!
twitter pips join me! :)
Lets make this trend!
Help us promote @youthalive_woh ministry’s camp next week December 26-30.Please RT :) #n10cfyd2011 #YAcampROCK
“Look at the nations and watch—
and be utterly amazed.
For I am going to do something in your days
that you would not believe,
even if you were told.
Though it linger, wait for it;
it will certainly come
and will not delay.
For the earth will be filled with the knowledge of the glory of the LORD
as the waters cover the sea.
— Habakkuk 1:5, 2:3b, 2:14
Claim God’s promise! excited na talaga for #YAcampROCK #N10CFYD2011
That moment…
…when all you can do is surrender
…when nobody seems to understand
…when all of the others left you behind
…when screams outside are louder that the whispher inside
…when your hope is crubling
…when the storms starts crashing
…when the winds keep blowing
…when your nightmares keep coming
That moment is the sweetest moment of all. For you know that in that moment, only the One who truly loves you will remain. He remains. Not just for today, not just for tomorrow. He remains until… until… until we grow out of counting when.
:’)




